Pumanaw na ang isa sa mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA na sangkot umano sa kontrobersyal na pagbili ng ‘overpriced’ COVID-19 sanitary kits para sa mga OFW.
Tinukoy ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac ang yumaong si Deputy Administrator Faustino “Bubsie” Sabarez III.
Binawian anya ng buhay si Sabarez sa Manila Doctor’s Hospital noong Miyerkules ng gabi.
Hindi naman binanggit ni Cacdac ang dahilan ng pagkamatay ni Sabarez.
Ang yumaong OWWA official ang pinuno ng Enhanced Community Quarantine operations ng ahensya noong Hunyo 2020 na nag-utos na bumili ng mga COVID-19 hygiene kits kabilang ang mga sanitary napkin, PPE at pagkain na na-red flag ng Commission On Audit.—sa panulat ni Drew Nacino