Umalma ang ilang kongresista sa pagtatalaga kay Lt. General Antonio Parlade, Jr. bilang Deputy Director General ng National Security Council.
Sinabi ni ACT teachers partylist representative France Castro na tiyak na mas marami pang indibidwal at grupo ang isasangkot sa insurgency dahil kilalang king of red taggers at terrorist taggers si Parlade.
Ayon pa kay Castro, magagamit din ang puwesto ni Parlade sa eleksyon para makapag tag pa ng mas maraming aktibista at mga kritiko ng administrasyong Duterte.
Kasabay nito, binatikos ni Castro ang nakasanayan na ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-recycle at pag-reuse ng mga opisyal tulad ni Parlade na aniya’y mayroong bad track record.