Pinagpapaliwanag ng Pangulong Rodrigo Duterte si senate minority floorleader Franklin Drilon sa anito’y kaugnayan kina Janet Lim-Napoles at dating Iloilo City mayor Jed Patrick Mabilog.
Sa gitna na rin ito nang pakikiisa ni house minority floorleader Franklin Drilon sa pagdinig ng senate blue ribbon committee hinggil sa overpriced medical items na binili ng DOH.
Tinukoy ng Pangulo ang pakikipagkita ni Drilon kay Napoles sa heritage park sa Taguig City gayundin ang anito’y limang P5-M campaign fund na ibinigay ni Napoles sa senador.
Ito’y ayon sa Pangulo ay tiyak na pinalitan ng pabor ni Drilon.
Dapat din aniyang magpaliwanag si Drilon sa relasyon nito kay Mabilog at maging kay Retired Police General Marcelo Garbo, Jr. na kapwa isinangkot ng Pangulo sa kanyang narco list.
Bukod dito, pinatutukoy rin ng Pangulo kay Drilon kung sino ang may-ari ng pinakamalaking mall sa Iloilo City at kung sino ang nagsilbing broker sa pagbebenta ng lumang Iloilo City Airport sa Megaworld.