Halos 3,000 pamilya katumbas ang mahigit 11,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Kiko.
Ayon ito sa NDRRMC na nagsabing ang mga apektadong indibidwal ay mula sa 97 barangay sa Regions 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Nananatili sa evacuation centers ang mahigit 1,000 indibidwal at halos 2,000 naman ang nasa labas ng evacuation centers.
Apat na landslides ang naitrala sa Region 1 partikular sa Aringay, Burgos at San Fernando sa La Union samantalang 19 na lugar ang binaha sa mga bayan ng Macabebe, San Simon at Candaba sa Pampanga.
Hindi naman madaanan ang tatlong lansangan sa Region 2, dalawa sa Region 3 at isa sa CAR samantalang hindi pa naibabalik ang supply ng kuryente sa limang lungsod at munisipalidad sa Batanes at Apayao.