Pinayuhan ng Philippine College of Physicians (PCP) ang Department of Health na ayusin ang kanilang reporting system dahil sa hindi tugmang datos sa kapasidad ng COVID-19 beds sa tunay na sitwasyon ng mga ospital
Partikular na tinukoy ni PCP President, Dr. Maricar Limpin ang ulat ng DOH na naglalaro sa 70% ang kapasidad ng COVID-19 Intensive Care Unit, regular wards at emergency rooms.
Ayon kay Limpin, iba ang sinasabing naturang ulat sa nakikita nila sa ospital na punung-puno ng mga pasyente.
Bukod sa mga pagamutan sa Metro Manila, marami na rin aniyang ospital sa Calabarzon maging sa Cebu ang nag-uulat sa kanila ng parehong sitwasyon at kakapusan sa mga respirator at oxygen.—sa panulat ni Drew Nacino