Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Kiko na may international name na Chanthu.
Huling namataan ng Pagasa ang bagyo sa layong 525 kilometers, Hilaga ng Itbayat, Batanes.
Bahagya itong humina taglay ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometers per hour at pagbugso na hanggang 205 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-Hilaga sa bilis na 25 kilometers per hour o patungong Mainland China.
Samantala, bagaman humina na ang Habagat, makaaapekto pa rin ito at magdadala ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Group of Islands, Abra, Benguet, Zambales at Bataan.—sa panulat ni Drew Nacino