Dalawang babae ang patay habang dalawang lalaki ang sugatan matapos salpukin ang kanilang kotse ng isang truck sa barangay Ugong, Pasig City.
Ayon sa MMDA, dakong alas-2 ng madaling araw nang maganap ang aksidente malapit sa C5-Ortigas Flyover sa bahagi ng Tiendesitas.
Wasak na wasak ang Mitsubishi Mirage na kulay orange kaya’t inabot ng halos apat na oras ang mga rescuer bago nahugot ang dalawang naipit na babae.
Hinintay muna ng MMDA at Pasig rescue team ang deklarasyon ng mga doktor na patay na ang mga naipit na biktima bago tuluyang inalis ang mga ito sa nadurog na sasakyan.
Samantala, tinutugis na ang driver ng truck ng yelo na nakadisgrasya sa mga biktima.—sa panulat ni Drew Nacino