Sinalubong pa rin ng mga reklamo ang unang araw ng pagsisimula ng klase sa mga paaralan sa ikalawang taon ng distance learning system.
Batay sa datos ng Oplan Balik Eskuwela – Public Assitance Command Center ng Department of Education (DepEd), aabot sa mahigit dalawang 2,000 ang mga usaping kanilang tinanggap.
Ayon kay Education Usec. Revsee Escobedo, pinakamarami sa kanilang mga natanggap na reklamo ay may kinalaman sa enrollment habang maliit na porsyento lamang ang sa iba pang bagay.
Kabilang sa mga tinanggap na reklamo ng DepEd ay ang tungkol sa school at policy operations, tauhan ng paaralan, learning continuity plan, senior highschool concerns, program and projects at iba pa.