Inatasan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga Chief of Police sa buong bansa na i-update ang kanilang priority target list.
Ito’y kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin pa ang laban kontra iligal na droga sa bansa matapos ang pagkakasabat ng mga iligal na droga sa mga naging operasyon sa Zambales, Bataan at Cavite nuong isang linggo.
Ayon kay Eleazar, ang mga ikinasang operasyon aniya ay patunay lamang na may ilan pa ring sindikato ng iligal na droga ang patuloy na nakakukuha ng suporta mula sa mga tulak nito sa mga komunidad.
“Sa panig ng PNP, we assure our kababayan that we will not tolerate abuses and wrong doings in our gangs. In our agrressive campaign against illegal drugs, just like what we have shown in the last 5 years when hundreds of our personnel were dismissed from the service for illegal drugs involvement,” pahayag ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar.