Pumalo na sa 2,708 ang kabuuang bilang ng mga naitatalang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y ayon sa Department of Health (DOH) ay matapos madagdagan ito ng 640 na bagong kaso sa nakalipas na magdamag.
Mula sa nasabing bilang ay 584 dito ang mga local cases habang nasa 52 naman ang nagmula sa returning Overseas Filipino Worker (OFWs).
Sa mga lokal na kaso, sinabi ng DOH na 112 dito ang mula sa National Capital Region, 52 mula sa Cagayan Valley habang 49 naman ang nagmula sa Calabarzon.
May dalawang kaso rin ng Delta variant ang naitalang naka-address sa Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao (BARMM)