Sumuko na ang driver ng truck na responsable sa pagkamatay ng dalawang babae at pagkasugat ng dalawang lalaki na pawang sakay ng kotse na kanyang binangga sa Pasig City.
Kinilala ang suspek na si Espanto Simplicio, 42 anyos, residente ng Capaco Compound, Felix Avenue, Cainta Rizal.
Ayon sa Pasig City Police, dakong ala-6 kagabi nang sumuko sa kanilang tanggapn si Simplicio at magbigay ng kanyang pahayag.
Aminado ang driver na nahagip ng likurang bahagi ng truck ang harapan ng kotse subalit dahil sa takot ay tumakas siya.
Pasado alas-2 kahapon ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa C-5 flyover northbound sa Barangay Ugong pasado.
Lulan ng kulay orange Mitsubishi Mirage Sedan na may plakang DOO-8200 ang mga biktimang sina Ayazeh Esgrina, 36 anyos, Mary Ann Galit 26 anyos, Mal Abdul, 30 anyos at driver na si Jesus Ilagan Canaleta Jr, 30 anyos at kapwa nakatira sa Concepcion Uno, Marikina City.
Binabagtas ng dalawang sasakyan ang C5 road flyover patungong Norte nang mahagip ng truck ang kotse at makalakad pa ito.
Sa lakas ng hampas ay nawasak ang kanang bahagi ng mirage at naipit sina Esgrina at galit na nasa kanang bahagi ng sasakyan na sanhi ng kanilang kamatayan habang itinakbo sa magkahiwalay na ospital sina Canaleta at Abdul na nagtamo ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.—sa panulat ni Drew Nacino