Nanatili pa ring pinakadelikadong bansa sa Asya ang Pilipinas para sa mga indibidwal na nais protektahan ang kalikasan.
Batay sa ulat ng global witness, noong nakaraang taon ay umabot sa 29 ang nasawi sa bansa dahil sa kanilang pagprotekta sa kalikasan.
Muli namang nanguna sa buong mundo ang Columbia na mayroong 65 na land and environmental defenders na nasawi.
Sinundan naman ito ng Mexico, Brazil, Honduras, Democratic Republic of Congo, Guatemala, Nicaragua, Peru, India at Indonesia.
Ayon sa global witness, 70% ng mga biktima ay namatay dahil sa iligal na gawain sa kalikasan gaya ng deforestation, industrial development at pagprotekta sa mga ilog, coastal areas at karagatan. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico