Nakapagtala ng record high na bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa loob ng isang arawang Cordillera Administrative Region (CAR) nitong linggo.
Ayon sa Department of Health – CAR, 23 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kung saan walo dito ay mula sa Bagiuo City; anim sa Benguet; apat sa Apayao; tatlo sa Abra at dalawa sa Mountain Province.
Dahil dito, umakyat na sa 1,034 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa virus sa rehiyon.
Umabot naman sa 6,695 ang COVID-19 active cases kung saan pinakamaraming naitala sa Baguio at Benguet.
Sinabi naman ni Dr. Donnabel Tubera-Panes, pinuno ng Baguio City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), na dapat nang magpatupad ng bubble para sa vulnerable persons at ipagbawal ang mga bisita upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico