Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagkamatay ng isang Grade 10 student sa San Enrique sa Negros Occidental dahil sa umano’y hazing.
Sa isang pahayag, sinabi ni CHR Spokesperson Jacqueline De Guia na ang mga lumilitaw na dahilan ng pagkamatay ng naturang estudyante ay nakakaalarma.
Giit ni De Guia, hindi pa rin nagbabago ang katayuan ng CHR sa hazing at nanatili silang kontra rito maging sa magiging epekto nito.
Kasunod nito, nagpaalala ang CHR sa mga Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral kahit pa nasa gitna ng blended learning ang pag-aaral sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa huli, iginiit ng CHR na panatilihin ng mga educational institution sa bansa ang pagpapatupad ng Child Protection Policy gayundin ang Anti-Hazing Act of 2008.