Inaasahang darating sa bansa sa mga susunod na linggo ang karagdagang 10M doses ng bakuna kontra COVID-19 mula Covax facility ng World Health Organization (WHO).
Ito’y ayon kay WHO country representative Rabindra Abiyasinghe, na magandang balita para sa bansa.
Aniya, ang naturang suplay ng bakuna ay posibleng dumating sa ikatlo o ika-apat na quarter ng taon na makatutulong na mabakunahan ang mas marami pang mga Pilipino.
Kasunod nito, ipinagmalaki ni Abeyasinghe na umabot na sa 13M doses ng bakuna ang na-i-deliver ng vaccine-sharing platform na Covax facility.
Samantala, sa pinakahuling datos ng National Task Force against COVID-19, pumalo na sa higit 16.7M Pilipino ang nakatanggap ng bakuna sa bansa.