Karagdagang P300 milyon na pondo para sa Agricultural Credit Policy Council o ACPC ang inilaan para sa mga hog raiser upang makabawi ang mga ito mula sa epekto ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay DA SEC. William Dar, makikinabang dito ang backyard at semi-commercial raisers na nasa “green zones” o mga lugar na wala ng ASF partikular na ang Mimaropa Region, Western Visayas, Central Visayas at Zamboanga peninsula.
Ang pautang ay walang interes, walang kolateral at maaaring bayaran sa loob ng limang taon.
Ang pondo ay bilang karagdagan sa re-population program ng ahensiya, na may budget na P2.7 bilyon.
Naniniwala si Dar na malaki ang maitutulong nito sa pagsisikap na maiahon ang hog industry sa bansa.—sa panulat ni Hya Ludivico