Pinalawig ng Commission on Elections ang deadline ng filing ng application para sa pag-transfer ng voter registration record mula abroad pabalik ng Pilipinas.
Iniatras ito ng COMELEC sa Setyembre 30 mula sa dating Agosto 31.
Nagpasya ang poll body En Banc na palawigin ang deadline upang maiwasan ang disenfranchisement ng maraming Overseas Filipinos na biglaang umuwi o na-repatriate dahil sa pandemya at kaguluhan sa ibang bansa.
Maaaring makaboto muli sa pilipinas sa May 2022 elections kung makakapag-file ng transfer hanggang Setembre 30, 2021 ang mga overseas voter.
Pinayuhan namang magtungo sa pinakamalapit na Office of the Election Officer sa kanilang lugar at mag-file na agad ng transfer ang mga dating overseas voter na nasa Pilipinas. —sa panulat ni Drew Nacino