Pinalawig ang deadline sa filing ng aplikasyon para sa pag-transfer ng voter registration record mula abroad pabalik ng Pilipinas.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), mula sa dating deadline na Agosto 31 ay maaaring makaboto muli ang overseas voters sa Pilipinas sa darating na eleksyon kung makakapag-file ng transfer hanggang Setyembre 30, 2021.
Napagdesisyunan ng poll body na palawigin ang deadline upang maiwasan ang disenfranchisement ng overseas filipinos na biglaang umuwi o na-repatriate dahil sa pandemya at iba pang kaguluhan sa ibang bansa.
Ang mga dating overseas voters na nasa Pilipinas hanggang May 2022 at nais na makaboto ay maaaring magtungo sa pinakamalapit na office of the election officer at mag-file na agad ng transfer. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico