Sinimulan na ngayong araw ang pagtuturok ng ikalawang dose ng Sputnik V vaccine sa lungsod ng Navotas.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ito’y makaraang dumating sa lungsod ang 590 doses ng Sputnik vaccine mula sa National Government.
Ani Tiangco, ang naturang suplay ng bakuna kontra covid-19 ay nakalaan muna sa mga nakatanggap ng unang dose noong Hunyo 21.
Mababatid na ganito rin ang problema ng iba pang lokal na pamahalaan sa Metro Manila dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna.
Kung kaya’t marami na ang may agam-agam sa kaligtasan at pagiging epektibo ng bakuna lalo’t naunsyami na ang pagtuturok ng ikalawang dose.
Sa kabila nito, binigyang diin ng Department of Health (DOH) na pwede namang maghintay ang mga naturukan ng first dose nang hanggang sa anim na buwan.