Lilimitahan na ng pamahalaan sa mga fully vaccinated kontra COVID-19 ang mga tatanggapin sa mga dine-in services sa Metro Manila.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ito’y kasabay ng pagsasailalim ng Metro Manila sa alert level 4 simula bukas, Setyembre 16.
Sa ilalim ng naturang alert level system, 10% lamang ang papayagang kapasidad sa mga dine-in operations kaya’t kinakailangang iprisinta ng mga ito ang kanilang vaccination card.
Habang ang mga hindi pa nakakatanggap ng bakuna ay papayagan naman sa al-fresco dining sa 30% kapasidad.
Samantala, ipinagmalaki naman ni Secretary Puyat na 99% na sa mga tourism workers sa Metro Manila ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.