Tuloy ang vaccination roll out sa San Nicolas, Ilocos Norte sa kabila nang pagkasunod ng daan-daang COVID-19 vaccines noong nakalipas na linggo.
Ito ayon kay San Nicolas acting mayor Edistio Valdez ay dahil mayroon namang mga bagong nai-deliver na bakuna sa kanila mula sa provincial government.
Nasa 120 doses ng Astrazeneca at 60 doses ng Sinovac ang naapektuhan nang masunog ang refrigerator ng mga bakuna sa ikalawang palapag ng Regional Health Unit.