Sumampa na sa mahigit P422 milyon ang iniwang pinsala ng bagyong Kiko sa Batanes.
Ayon kay Governor Marilou Cayco, kabilang sa mga nakapagtala ng malaking pinsala ang imprastraktura at kabahayan sa lalawigan na aabot sa P275 milyon.
Patuloy anya ang kanilang assessment at magbibigay ng kumpletong detalye sa oras na matapos na ito.
Sa kabila nito, wala namang naitalang namatay sa pananalasa ng bagyo bagaman mayroong 27 ang nasugatan habang 56 ang nawalan ng tirahan.
Samantala, umapela naman ng tulong si Cayco sa national government para sa bigas at construction supplies upang makapagsimula ulit ang mga residente.—sa panulat ni Drew Nacino