Bukas si Finance Secretary Carlos Dominguez sa hirit na buwagin na ang Procurement Service – Department of Budget and Management o PS-DBM at Philippine International Trading Corporation o PITC.
Ito ang inihayag ni Dominguez sa deliberasyon ng Senate Committee on Finance sa panukalang budget ng Department of Finance para sa susunod na taon.
Ang mga nabanggit na ahensya ng gobyerno ay kabilang sa pagbili ng medical supplies sa gitna ng COVID-19 pandemic na kinukuwestyon ng Senado.
Naniniwala ang kalihim na dapat sumailalim sa regular review ang lahat ng sangay ng pamahalaan para sa posibleng pagbuwag gaya ng kanilang ginawa sa Government Commission for GOCC.
Una nang naghain ng dalawang panukala si Senator Imee Marcos na nag-a-abolish sa PS-DBM at PITC Dahil umano sa “systemic corruption” sa ahensya.—sa panulat ni Drew Nacino