May go-signal na ng International Criminal Court o ICC ang imbestigasyon sa “war on drugs” sa Pilipinas.
Inaprubahan ng ICC ang imbestigasyon kahit kumalas na ang Pilipinas sa nabanggit na korte noong 2019.
Nakitaan ng mga hukom ng ICC ng basehan ang reklamong “crimes against humanity” laban kay Pangulong Rodrigo Duterte lalo’t isa ang murder sa mahalagang elemento upang ituloy ang imbestigasyon.
Binigyang-diin ng korte na hindi maaaring ituring na lehitimong law enforcement operation ang giyera kontra droga maging ang mga pagpatay.
Ipinunto rin ng ICC na batay sa mga isinumiteng ebidensya ay inilunsad ang malawakan at systematic attack laban sa mga sibilyan alinsunod sa isang state policy.
Hunyo nang hilingin ni dating ICC Chief Prosecutor Fatou Bensouda sa mga mahistrado na ilarga na ang full-investigation sa drug war ng Pilipinas.—sa panulat ni Hya Ludivico