Tiniyak ng Department of Education (DEPED) ang malalimang imbestigasyon sa pagkamatay sa hazing ng isang lalaking grade 10 student sa Bayan ng San Enrique, Negros Occidental.
Hinikayat din ng DEPED ang mga paaralan na maging aktibo upang maiwasan ang naturang insidente.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang kagawaran sa pamilya ng biktima at kinondena naman ang anumang karahasan na kinasasangkutan ng mga mag-aaral.
Bukod sa DEPED, gumulong na rin ang hiwalay na imbestigasyon ang Commission on Human Rights sa pagkamatay ng 18 anyos na estudyante ng Doña Hortencia Salas Benedicto National High School sa La Carlota City.—sa panulat ni Drew Nacino