Inaasahang makakatanggap ang Pilipinas ng 14.89 milyon doses ng Pfizer at Moderna vaccines mula sa Amerika bago matapos ang buwan.
Ayon kay NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., mapapataas nito ang vaccination program ng bansa habang inihahanda na ang guidelines para sa pagbabakuna sa mga menor de edad at general public alinsunod sa approval ng vaccine expert panel.
Sinabi pa ni Galvez na inaasahang darating ngayong buwan ng Setyembre ang mahigit 30 milyong COVID-19 vaccines.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico