Nananatili sa high risk category ang Intensive Care Unit o ICU beds sa bansa makaraang iulat ng Department of Health (DOH) na 77% ng kabuuang bilang nito ang nagamit na.
Batay sa pinakahuling datos, 79% ng kabuuang 1,500 beds sa NCR ang okupado na.
Ikinokonsiderang high risk ang occupancy rate kung 70% hanggang 85% na itong okupado.
Nasa 73% aman ng kabuuang 15,900 ward beds sa buong bansa ang ginagamit na habang 72% ng 4,500 ward beds sa NCR ang okupado na.
Umabot naman sa 57% ng 3,300 mechanical ventilators ang nagamit na habang 61% ng 1,200 mechanical ventilators sa NCR ang ginagamit na rin.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico