Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na dapat higpitan ang proseso sa pagpapapasok ng mga refugee mula sa Afghanistan.
Sa gitna na rin ito, ayon kay Lorenzana ng mga pangambang mahaluan ng mga terorista ang mga papasok na refugee sa bansa.
Tiniyak ni Lorenzana ang pagbabanta sa galaw ng mga pumapasok na Afghan refugee, bagama’t wala aniyang poder ang Defense Department at ang militar sa pagpoproseso sa pagpasok ng mga ito sa bansa.
“Trabaho ‘yan ng pulis, dahil ‘di naman trabaho ng military ‘yan…pulis ang nagpa-process n’yan, kasama nyan ang DFA at saka yung immigration, so the DND is not involve with the reception of these refugees”
Gayunman ..sinabi ni Lorenzana na hindi magiging madali para sa Afghan refugees na makapag-ikot sa Pilipinas lalo’t mahigpit din ang mga ipinatutupad na patakaran kaugnay ng COVID-19.
“Ang gagawin niyan kumontak siguro sila ng local terrorist…it take time, at dahil kakaiba naman ang itsura ng mga Afghanist, madali silang makita sa iba-ibang lugar. But you are right,it is a very concerning situation kung kasama ng mga refugees na may teroristang kasama”
Si defense secretary Delfin Lorenzana.—mula sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)