Umakyat na sa 2,347,550 ang kabuuang bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos iulat ng Department of Health na may 23,134 panibagong kaso ng COVID-19 kahapon.
Nadagdagan din ang bilang ng mga nasawi sa nasabing sakit matapos kumpirmahin ng DOH na may 255 na nasawi sa sakit.
Dahil dito, umakyat na sa 36,583 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa bansa.
Pumalo naman sa 184,088 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa habang umabot naman sa 2,126,870 ang total recoveries matapos itong madagdagan ng 27,024.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico
Panibagong kaso ng COVID-19, pumalo sa higit 23K was last modified: September 18th, 2021 by DWIZ 882