Nanawagan ang ilang contractual airport employees sa pamahalaan na tulungan sila hinggil sa problemang kanilang kinakaharap.
Ito ay dahil sa inilabas na observation memorandum ng commission on audit o COA noong Enero kung saan ang mga tauhan ng LSERV corporation ay inaatasang ibalik ang hazard pay na ibinigay ng airport authority na nagkakahalaga ng ₱54.36-M para sa contract service workers sa implementasyon ng hard lockdown.
Ayon sa COA, tanging “qualified government personnel” ang dapat sakop ng hazard pay.
Mister president kung kami po’y inyong naririnig, kami po ay humihingi ng tulong sa inyo sir parang awa nyo na sir. Napakababa na ng pinapasahod sa amin, kakaltasan pa kami ng hazard.
Ayon pa sa hindi nagpakilalang tauhan ng manila international airport authority, mabigat sa kanila ang kabawasang P1,500 kada buwan.
Maliit lang din aniya kung tutuusin ang kanilang sweldo at kung babawasan pa ay wala na halos matitira para sa kanilang pamilya.
Sir ang laking epekto epekto sa amin nito sir, halos lahat po kami. Maliit lang po yung sinasahod namin sir. Lahat po kami eh nakapag-loan na sa sss at pag-ibig. Mas lalo po walang matitira sa amin Sir–-
sa panulat ni Hyacinth Ludivico