Mahigit 18 milyon Pinoy na o 18.2 milyon ang fully vaccinated.
Ayon ito kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje na nagsabing nasa halos 41 million doses na ng ibat ibang COVID-19 vaccines ang naiturok na sa mga Pilipino simula nang ikasa ang National Inoculation Program nuong March 1.
Kasabay nito, sinabi ni Cabotaje na mahigit 59 million doses ng COVID-19 vaccine na ang napapasakamay ng bansa.