Posibleng naabot na ng Pilipinas ang peak ng pagsirit ng COVID-19 cases.
Ito ayon sa OCTA Research Group ay matapos makapagtala ang Pilipinas ng weekley negative growth rate sa unang pagkakataon mula nuong Mayo.
Sinabi ni Dr. Guido David, fellow ng OCTA Research na ang reproduction rate ng COVID-19 sa bansa ay nasa 1.16% at 1.18% naman sa Metro Manila.
Nakapagtala rin aniya ng negative growth rate bukod sa Metro Manila ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna at Bulacan.
Taliwas naman ito sa assessment ng DOH na nagsabing wala pang nakikitang senyales nang pagbaba ng kaso ng COVID-19 lalo pat nasa 64 na lugar pa ang nakapagtala ng pinakamataas na alert level 4.