Ikinasal na ang aktor na si Mark Herras sa kanyang nobyang si Nicole Donesa.
Sa kanilang post sa Instagram, binanggit ng mag-asawa na si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nag-preside ng kanilang kasal noong September 8.
Samantala, sa kanilang vlog sa YouTube, sinabi naman ng couple na nagpakasal sila para maging legal ang kanilang relasyon at para na rin sa kanilang baby boy na si Corky.