Inihayag ng Israel na nahuli na nito ang huling dalawang Palestinian prisoners na nakatakas mula sa isang maximum-security prison mahigit 10 na ang nakalilipas.
Kinilala ang mga bilanggo na sina Ayham Nayef Kamamji at Munadel Yacoub Infaat.
Ayon sa ulat, kusang-loob na sumuko ang mga preso matapos mapaligiran ng mga awtoridad ang pinagtataguan ng mga ito.