Mahigit 2.1 milyon na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 25,037 na bagong recoveries.
Sa kasalukuyan, nasa 178,196 na ang bilang ng mga aktibong kaso.
Nagkaroon naman ng higit 19,000 na bagong kaso kaya’t lampas 2.3 milyon na ang coronavirus infections sa bansa.
Samantala, sumirit na sa 36,788 ang kabuuang bilang ng mga nasawi bunsod ng pagpanaw ng higit 200 pasyente.