Maaaring palawigin ng dalawa pang linggo ang alert level 4 sa Metro Manila na magtatapos sa Setyembre 30.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Spokesman Restituto Padilla, naka-depende ang magiging desisyon ng gobyerno sa resulta ng COVID-19 infection rate o kung kaunti o marami pa rin ang nagkakasakit.
Hindi pa anya nila masabi ang magiging pasya wala pa naman nakikitang resulta o epekto na posibleng maramdaman sa unang linggo ng Oktubre.
I-a-assess naman ang pagpapatupad ng COVID-19 alert level 4 sa NCR matapos ang unang linggo ng pilot implementation nito. —sa panulat ni Drew Nacino