Isinailalim na ang Batanes sa pinakamahigpit na community quarantine level simula kahapon.
Ito, ayon provincial COVID-19 task force group ng Batanes, ay dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.
Tatagal ang Enchanced Community Quarantine ng dalawang linggo o hanggang Oktubre 4.
Sa datos kahapon, naitala ang isandaang bagong kaso ng COVID-19 kaya’t sumampa sa 138 na ang kumpirmadong kaso simula nang pumutok ang pandemya.
Patuloy na binabantayan ang 121 active cases ng COVID habang 17 na ang nakarekober.—sa panulat ni Drew Nacino