Dagsa pa rin sa mga tanggapan ng COMELEC ang mga nais magparehistro at makaboto sa 2022 national elections, 10 araw bago matapos ang voter registration.
Kabilang sa dinumog ang COMELEC Office sa Arroceros, Maynila kung saan lahat ng nakapila ay may bitbit na mga dokumento para sa registration.
Tiniyak naman ng COMELEC na nasusunod ang health protocols sa kanilang mga tanggapan.
Nilinaw din ng poll body na bawat distrito ay may mga sariling patakaran gaya ng pagbabawal sa mag-walk-in at limitadong slots bilang pagtalima sa COVID-19 health protocol.—sa panulat ni Drew Nacino