Karagdagang 561,600 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine ang natanggap ng Pilipinas kagabi.
Ang nasabing mga bakuna ay ibinigay ng gobyerno ng Estados Unidos sa pamamagitan ng COVAX facility.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, umabot na sa 64,942,000 doses ang kabuuan ng supply ng bakuna sa bansa.—sa panulat ni Hya Ludivico