Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government o DILG sa mga ayaw magpa-swab test sa ilalim ng granular lockdown.
Ayon kay DLIG Secretary Eduardo Año, ang mga closed contact na hindi papayag na magpa-swab test ay isasailalim sa quarantine upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19.
Nanawagan naman si Año sa mga residenteng sakop ng ipinatupad na granular lockdown na sumunod sa health protocols.—sa panulat ni Angelica Doctolero