Umabot na sa mahigit 200k ang kabuuang bilang ng mga indbidwal na nahuling lumabag sa health and safety protocols na ipinatupad ng pamahalaan.
Ayon sa Philippine National Police o PNP, umakyat na sa 205,916 ang mga nahuling lumabag sa health safety standard sa bansa.
Umabot naman sa 166,722 violators ang binigyan ng warning, 27, 497 violators naman ang pinagmulta habang 42,793 individuals ang nahuli sa curfew hours.—sa panulat ni Angelica Doctolero