Sinimulan na ang operasyon ng One Hospital Command Center (OHCC) sa CALABARZON upang mapaigting ang health care system sa gitna ng banta ng COVID-19 Delta variant.
Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, DOH-CALABARZON Director, sa pamamagitan ng One Hospital Command Center ay mapapangasiwaan ang lahat ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Batay sa datos ng DOH CALABARZON Regional Epidemiology and Surveillance, pumalo na na sa 406 ang kaso ng Delta variant sa rehiyon kung saan pinakamarami sa mga ito ay naitala sa Laguna na may 112 cases at sinundan naman ng Cavite na may 99 na mga kaso.
Mayroong 83 Delta cases naman sa Rizal, 65 sa Batangas, 33 sa Quezon, at 14 sa Lucena City.
Karamihan sa naitalang Delta infections ay mula sa local transmission kung saan Laguna pa rin ang may pinakamaraming kaso na may 102 Delta variant cases. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico