Nakatanggap ng ayuda ang ilang mga residente sa Calamba, Laguna sa tulong ng isang residente na nagbukas ng community pantry sa kanilang lugar.
Ito ay para matulungan ang mga residenteng nasalanta ng bagyo at nawalan ng trabaho bunsod ng pandemiya.
Samantala, sa naging pahayag naman ni DILG Secretary Eduardo Año sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, sinabi niya na 18 LGUs na ang nakakumpleto sa distribusyon ng ayuda. —sa panulat ni Angelica Doctolero