Posibleng pag-aralan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpapalawig ng voters registration na nakatakdang magtapos sa Setyembre 30, 2021.
Ito’y matapos maghain ang senado ng resolusyon para umapela ng extension ng registration period hanggang Oktubre 31.
Ayon kay COMELEC Commisioner Rowena Guanzon, dahil sa resolusyong ito ng senado, tiyak na isa ito sa agendang tatalakayin ni Chair Sheriff Abas sa kanilang gagawing pulong.
Isa aniya sa mga kailangan tukuyin sa pag-uusap ay kung kaya pa ba ng COMELEC i-extend o hindi na ang voter registration.
Sinabi ni Guanzon na noong unang nagkaroon ng botohan, Mayorya sa mga commissioner ay hindi na pabor na palawigin pa ang registration period dahil sa gipit na sa oras para sa paghahanda sa National Elections.