Tinatayang nasa 3,000 pamilya ang apektado ng ipinatutupad na granular lockdown sa Metro Manila.
Ito’y ayon sa datos na hawak ng MMDA mula nang pairalin ang naturang hakbang para masugpo ang banta ng COVID-19 at mga variants nito.
Ang naturang bilang aniya ng mga apektadong pamilya ay mula sa siyam na mga eskinita; tatlong buildings; higit sa 100 condo units; at 48 compounds.
Mababatid na sa naturang bilang, ay walang barangay na ini-lockdown.
Paliwanag ni MMDA chair Benhur Abalos, ito’y dahil sa pagpapatupad ng granular lockdown ay talaga aniyang hinihiwalay ng awtoridad ang isang lugar na nakitaan ng pagsirit ng kaso ng COVID-19 mula sa ibang kalapit na lugar nito.