Nanindigan ang COMELEC na hindi nito palalawigin ang voter registration para sa 2022 national elections.
Ito’y sa kabila ng isinusulong ng kongreso na i-extend ang registration sa bansa at ibayong dagat upang maiwasan ang voter disenfranchisement sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, bagaman ang kongreso ang may kapangyarihan, hindi naman nagbabago ang posisyon ng poll body.
Una nang nagbanta si Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na tatapyasan ang 2022 proposed budget ng Comelec kung tatanggi itong palawigin ang registration.
Magtatapos ang voter registration sa Setyembre 30.—sa panulat ni Drew Nacino