Muling isinulong sa kamara ang House Bill 7678 na layuning bigyan ng danyos perwisyos ang mga biktima ng batas militar na ipinatupad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, nasa limampung libong human rights victims ang hindi pa nakakukuha ng danyos.
Mula sa 60K biktima, 6K lamang ang inaprunahan ng human rights victims claims board kaya’t umaapela ang mga pinagkaitan ng kompensasyon.
Kaya’t dapat lamang isulong ang panukalang batas na nabinbin simula noong 2020.
Kung maisasabatas anya ang bill, ilalaan ang umano’y ill-gotten wealth ng mga marcos na aabot sa P10 bilyon upang pondohan ang kabayaran sa mga biktima.
Ang naturang halaga ay mula sa perang nakuha ng Pilipinas sa ilalim ng Disyembre 10, 1997 order ng Swiss federal supreme court.—sa panulat ni Drew Nacino