Umabot na sa 1,456,364 ang mga Pilipino mula sa ibang bansa ang napauwi o na-repatriate dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kabilang sa mga na-repatriate ang halos 300K Pinoy na naninirahan na sa ibang bansa na piniling magbalik-bayan.
Ito na anya sa ngayon ang itinuturing na pinaka-malaking repatriation ng gobyerno simula nang sumiklab ang pandemya.
Tiniyak naman ng pamahalaan ang pagkakaloob ng tulong gaya ng negosyo at trabaho sa mga nagbabalikang Pinoy.—sa panulat ni Drew Nacino