Nakapagtala ng magnitude 5 na lindol ang Occidental Mindoro 12:43 kaninang madaling-araw.
Namataan ang episentro nito sa layong 13.26 Northwest ng Mamburao na may lalim na mahigit labing isang kilometro at tectonic ang origin nito.
Dahil dito, nakapagtala ng intensities sa ilang lugar kabilang na ang:
– Malvar, Batangas na nakapagtala ng intensity 3
– Quezon City na nakapagtala ng intensity 2
Nakapagtala din ng instrumental intensities sa bahagi ng:
* Calapan City, Oriental Mindoro – Intensity 4
* Tagaytay City – Intensity 3
* Muntinlupa City; Batangas City At Calatagan, Batangas, Mauban, Mulanay At Dolores, Quezon – Intensity 2
* Lopez, Quezon; Carmona, Cavite; Plaridel, Bulacan
Habang wala namang naitala sa intensity 1.
Ayon sa Phivolcs, matapos maitala ang lindol ay nasundan pa ito ng apat pang sunod-sunod na aftershocks.
Dahil dito, nagpaalala ang Phivolcs sa mga residente na manatiling nakaalerto sa posible pang aftershocks matapos ang pagyanig.—sa panulat ni Angelica Doctolero