Kinumpirma ng Prime Minister at isang health worker na lima ang nasawi habang 50 naman ang sugatan matapos ang pagsabog sa Bujumbura, Burundi.
Sa pahayag ng Interior Ministry, isang hindi kilalang terorista ang responsable sa nangyaring grenade attacks.
Ayon sa pitong nakakita, dalawang pagsabog ng granada ang nangyari sa isang bus parking lot sa City Centre habang nangyari naman ang ikatlong pagsabog sa Jabe market sa neighbourhood.
Nangako naman ang Prime Minister na si Alain-Guillaume Bunyoni na tutulungan ng gobyerno ang pamilya ng mga nasawi maging ang mga sugatan.—sa panulat ni Angelica Doctolero